BENCH ENDORSERS
Maituturing na nasa Bench pool of celebrity endorsers na ang mga top actors and actresses ng both TV networks. Ano ang masasabi ni Dingdong dito?
“Yun nga, ang galing, e!” bulalas niya. “Bench is like the culminating spot of everybody. Dahil lahat kami nagkakasama rito. Dito, walang ista-istasyon. Lahat kami nagkakasama rito. Sa tingin ko, isa lang ang Bench na nakakapag-reunite sa aming lahat na artista.”
Inamin ni Dingdong na pinangarap din niyang makasama ang the Bench endorsers tuwing makakakita siya ng mga billboard ng naturang brand along EDSA.
Samantala, hindi maiiwasang hingin din ng reaksiyon at opinyon si Dingdong sa obserbasyon ng marami na sa lahat ng mga artistang naging Bench endorsers, bukod-tangi lang yata siyang binigyan ng ganito kabonggang launching.
“Actually, yun nga, ngayon ko lang din nalaman,” masaya niyang pahayag. “Yung taga-Bench nga rin, sabi sa akin, ‘1980 pa ako rito, pero ngayon lang nangyari ito.’ Pero siguro, yung unveiling lang naman. Pero ang sa akin lang kasi, siguro launch, may kanya-kanyang diskarte. Others launched it in different ways. Ang sa akin, ganito.
“Siyempre, para sa akin, it’s different, regardless kung malaki siya or hindi. And first time lahat, e, first time ko siyang makikita. First time kong sumakay sa ganitong ferry sa lugar na ito. ‘Tapos, first time kong magkaroon ng unveiling na solo, that is really big. And first time kong makita in brief!” natatawa niyang sabi.
Dahil sa lahat ng ito, naa-anticipate na ba niya yung possibility na puwede siyang kainsekyuran ng ibang kasamahan niyang Bench endorsers din?
“Sa tingin ko, hindi dapat, e,” sagot ni Dingdong. “Kasi gaya ng sabi ko, ang product is seasonal. So, ang endorser, naka-depend ‘yan sa product. Nagkataon lang na itong campaign na ito is the product I am endorsing. Next year, next season, magkakaroon ng bago ‘yan. Kung sinuman yung bago, I’ll be there to support him, 100 percent.”
Ayaw sabihin ni Dingdong kung gaano katagal ang duration ng contract na pinirmahan niya sa Bench. Although aniya, mahaba raw ito. Ayaw rin niyang sagutin ang biro ng mga press na siya na siguro ang highest paid endorser ng kumpanya.
“Hindi ko masasabi,” sabi niya. “I believe in the company, they will always be fair. Kung anuman yung compensation, kung anuman yung sa iba, I think ganoon din. Actually, I didn’t demand or anything. Ibinigay nila sa akin kung ano ang nararapat.
“Sabi ko nga, yung help na naibibigay nila sa akin, like sponsorship, yung mga damit na nakukuha ko na nagagamit ko sa Marimar, dati pa akong gumagamit. Pero hindi ko pa masabi, hindi ko pa naa-announce, ngayon lang talaga yung formal, effective today.”
May nagtanong din kay Dingdong kung bago ba ang unveiling ng billboard, nakita na ng girlfriend na si Karylle ang mga shots niya?
“Oh yes, nakita niya…Kasi after ng shoot, may kinunan ako sa phone. E, sira yung laptop nila, so sabi ko, paki-check naman sa computer kung ano ang hitsura. Wala naman siyang sinabing hindi maganda. Sinabi niya na, ‘I think it’s very tasteful. It’s tastefully done and it’s nice,’” pagtatapos ni Dingdong.
source:pep.ph

(click pictures to enlarge)
No comments:
Post a Comment