Wednesday, March 12, 2008

Dingdong Dantes: Bench Photos latest Uploads

NEW SEX OBJECT
Tinanong ng PEP kung handa na siya sa possibility na maging bagong sex object, lalo pa’t nakabalandra na ang sexy billboards niya.
“You know, everything is subject to… Depends on their perception. Like what I said, people may like it or people may not. Basta ako, at the end of the day, I enjoy doing it and I did it for myself. And whoever share my sentiments, thank you. At least, may naka-appreciate.”
Siya na ang bagong pantasya ng bayan?
“Kung karapat-dapat ba, bakit hindi?” natatawa niyang sabi. “It’s always a privilege. But like what I said, hindi ko naman pupuwedeng ipagpilitan ‘yon. Nasa sa tao ‘yon kung gusto nila or hindi.”
Hindi naman ikinakaila ni Dingdong na ang malapit nang matapos na phenomenal primetime series nila ni Marian na Marimar ang siyang nagbigay ng daan para lumabas ang sexy image niya.
“Totoo ‘yon,” pagsang-ayon. “Like what I said, hindi lang naman sa physical, e. Noong Marimar kasi, noong panahon na nagpahinga ko, limang buwan ‘yon, parang ni-reinvent ko lahat. Pati approach ko sa acting, pati sa buhay nga, e, na magiging free flowing lahat. Anything goes, walang hang-ups, kung anuman. Kung ayaw, okay; kung gusto, okay. From there kasi, nandoon lahat, pati performance mo maaapektuhan. Pati pag-deliver ng character, lahat.”
source:pep.ph





No comments: